You don’t miss.
Well for some reasons you got me.
Just got Tired of sketching?
and doodling craps?
Actually they’re not
meant for you and me.
I know for somehow
It gives a lot of hints
It portraits a lot of things
Things that might not be
visible to other
as it seems.
It’s just not so clear
Promises made through years.
Promise tomorrow
clouds will disappear
As vivid sun appears
Get up, I know
we’ll be together again
sometime, maybe
not at this time.
For the sun knows
even from the start
How much I love.
NBA FREE AGENTS 2010
ETO = Early Termination Option
P = Player Option
T = Team Option
>ATLANTA
Jason Collins
Maurice Evans (P)
Joe Johnson
Randolph Morris
Joe Smith
>BOSTON
Ray Allen
Tony Allen
Marquis Daniels
Michael Finley
Paul Pierce (ETO)
Nate Robinson
Brian Scalabrine
Shelden Williams
>CHARLOTTE
Tyson Chandler (ETO)
Raymond Felton
Stephen Graham
Larry Hughes
Nazr Mohammed (ETO)
Theo Ratliff
>CHICAGO
Joe Alexander
Devin Brown
Acie Law
Brad Miller
Ronald Murray
Jannero Pargo
Hakim Warrick
>CLEVELAND
Zydrunas Ilgauskas
LeBron James (P)
Shaquille O’Neal
Sebastian Telfair (P)
>DALLAS
J.J. Barea (T)
Brendan Haywood
Dirk Nowitzki (ETO)
DeShawn Stevenson (P)
Tim Thomas
>DENVER
Malik Allen
Anthony Carter
Joey Graham
Kenyon Martin (ETO)
Johan Petro
>DETROIT
Kwame Brown
Ben Wallace
Chris Wilcox (P)
>GOLDEN STATE
Devean George
Vladimir Radmanovic (ETO)
>HOUSTON
Chuck Hayes (T)
Jared Jeffries (ETO)
Yao Ming (ETO)
>INDIANA
Luther Head
Earl Watson
>L.A. CLIPPERS
Steve Blake
Rasual Butler
Drew Gooden
Steve Novak
Travis Outlaw
Brian Skinner
Craig Smith
>L.A. LAKERS
Shannon Brown (P)
Derek Fisher
D.J. Mbenga
Josh Powell
>MEMPHIS
Steven Hunter
Jamaal Tinsley
Marcus Williams
>MIAMI
Rafer Alston
Carlos Arroyo
Yakhouba Diawara
Udonis Haslem
Jamaal Magloire
Jermaine O’Neal
Shavlik Randolph
Quentin Richardson
Dwyane Wade (P)
Dorell Wright
>MILWAUKEE
Primoz Brezec
Royal Ivey
Michael Redd (ETO)
Luke Ridnour
John Salmons (ETO)
Jerry Stackhouse
Kurt Thomas
>MINNESOTA
Brian Cardinal
Darko Milicic
Sasha Pavlovic
Oleksiy Pecherov
Damien Wilkins
>NEW JERSEY
Tony Battie
Trenton Hassell
Jarvis Hayes
Kris Humphries (P)
Chris Quinn
Bobby Simmons
>NEW ORLEANS
Ike Diogu
Sean Marks
Darius Songaila (ETO)
Peja Stojakovic (ETO)
>NEW YORK
Jonathan Bender
Earl Barron
Brian Cardinal
Eddy Curry (P)
Chris Duhon
J.R. Giddens
Al Harrington
Eddie House
David Lee
Tracy McGrady
>OKLAHOMA CITY
Kevin Ollie
Etan Thomas
>ORLANDO
Matt Barnes (P)
Adonal Foyle
Anthony Johnson
Jason Williams
>PHILADELPHIA
Rodney Carney
Francisco Elson
Willie Green (ETO)
Allen Iverson
Jason Kapono (P)
>PHOENIX
Louis Amundson
Jarron Collins
Channing Frye (P)
Grant Hill (P)
Amare Stoudemire (ETO)
>PORTLAND
Travis Diener
Juwan Howard
Joel Przybilla (ETO)
>SACRAMENTO
Sean May
Ime Udoka
>SAN ANTONIO
Keith Bogans
Matt Bonner
Richard Jefferson (ETO)
Ian Mahinmi
Roger Mason
>TORONTO
Chris Bosh (P)
Amir Johnson
Rasho Nesterovic
Patrick O’Bryant
Antoine Wright
>UTAH
Carlos Boozer
Kyle Korver
>WASHINGTON
Earl Boykins
Javaris Crittenton
Josh Howard (T)
Shaun Livingston
Mike Miller
Fabricio Oberto
Quinton Ross (P)
James Singleton
SOURCE: http://sports.espn.go.com/nba/news/story?page=FreeAgents-10-11
Isang tula
Paano nga ba sabihing hindi na kita mahal?
Parang kay hirap namang usalin ng mga salita
Samantalang kay daling sabihing “Patawad”
at ang mga pangungusap na “mahal na mahal kita”
at hindi kailanman magbabago ang tibok ng dibdib
Subalit, tulad ng mga luha
Unti-unti ring napapagod ang mga mata
at sa katagala’y unti-unti ring matutuyo
Mawawala rin ang pamumugto
Gaya ng damo sa umaga at hamog kapag madaling araw
Magbabagong bihis, sasama sa hangin
Bakit nga kaya sa kabila ng katamisan
Naroroon at nagbabanta ang isang unos?
Marahil, kasama ito sa mga hiwaga ng buhay
Kasama ng sanglakasang palaisipang
Dapat Sagutin, bigyang katuturan
Napakaraming tanong subalit kayramot ng kasagutan
Dahil sa kakaunti ang sagot, malawak ang katahimikan
At dahil sa pananahimik, buong pagaakala’y
laging “Oo” ang sagot. Laging pag-amin
Datapwa’t iba pala ang sinasabi sa isip
Iba rin ang binubuka ng bibig
Ngayon ko lamang napatunayang
Sa napakaraming pagkakataon
Sa napakahabang panahon ng paghihintay
at pagpapakarahuyo sa pagsuyo
Darating din ang panahong mauupos
tila kandila ang damdamin
Wala na roon ang tamis
Wala na roon ang sigla
Wala na roon ang lambing
Gaya ng panahon ng taglagas
Susundan ang pagkalas ng mga dahon
Nang pagpatak ng mga nyebe
At tutunawin iyon ng mga patak ng ulan
Subalit huwag mo sanang hinalaing
Ni minsa’y hindi nagukol sayo ito
nang kahit isang hibla ng pagkakatotoo
Pagpapakatotoong minsa’y hinibang ang sarili
na minsa’y nagkulay bahaghari ang paligid
Dahil kaulayaw ka sa dapit hapong
malayang umiihip ang hanging amihan
na ang mga yakap ay katumbas din
ng mga panahon ng tag-araw
na kaysarap magtampisaw sa sapa
habang hinabahol ang mga isdang
makikisawkisaw sa makinang na tubig
Huwag na rin sanang sabihing
Ipinagsinungaling ang bawat parirala
Pagmamahal, pagsinta, pag-irog
paghanga, pagsamba, pag-asam
Marahil talaga lamang napapagod ang puso
Napapagal din ang diwa at
nanghihina ang kaluluwa
HINTAY
HINTAY
ni Christopher Erise
Hindi ko alam kung san mag-uumpisa
Kung dito ba o kaya sa ating dalawa
Nalilito na kung ano ba talaga
Pinapahiwatig ng iyong mga mata
Isa, Dalawa Ang oras ay nauubos na
Pakiramdam ko ikaw ay malapit na
Nais kong makita mata mong kay ganda
At ang pagkikitang nais maulit pa
Hindi ko mapigilan ang isipin ka
Ngunit paano pagnakita mo na siya
Kahit hindi na ko maging masaya
Makita lang kitang masaya, Ayos na
Patawarin mo sana ako Prinsesa
Ang nadarama ay di na mapigilan pa
Ako ata sayo ay nahuhulog na
Bahala na sa mga mangyayari pa
Dalampasigan
Dalampasigansa panulat ni Christopher Erise
Unti-unting dumilim ang paligid, at nagkubli ang araw sa langit, kasabay ng pagtulo ng mga luha sa mga mata nila Anna at Sander. Sa di kalayuan ay nakita nila ang unti-unting paglubog ng araw, naisip nila ang mga ala-alang hinubog ng panahon at pinatatag ng pagsubok. Sa pag-upo nila sa dalampasigan kasabay ng paglubog ng araw naalala nila ang mga nangyari sa nagdaan. Nagumpisa ang lahat ng sila’y nagkakilala. Nasa Ikalawang taon ang dalaga sa Hayskul. Mestisa, maamo ang mata, mahaba ang buhok at hindi gaanong katangkarang dalaga si Anna. Ang binata naman ay nasa Ika-unang taon sa Hayskul. Moreno, makisig at nasa katamtamang taas para sa isang binata. Alas-dos ng tanghali nuon, araw ng Huwebes, Tipikal na araw para sa mga magaaral. Naglalakad si Anna sa pasilyo kasama ang kanyang mga kaibigan na siyang kaibigan din ni Sander. Habang papalapit ang dalawa sa isa’t isa, Bumilis ang tibok ng puso niya, Unti-unting lumabas ang mga butil ng pawis na animo’y yelo sa lamig. Nabigla siya ng ipinakilala siya ng kaibigan nilang dalawa ni Anna, “Sander, si Anna. Anna si Sander.” wika ng kaibigan nila. Sinagot ni Sander ng isang matamis na ngiti kasabay ng pagkatulala nito sa ganda ni Anna. Nabigla siya ng nagsalita ang dalaga, “Hi Sander.” Sabay abot ng malalambot na kamay sa binata. Hindi siya gumalaw, ni hindi man lang natinag sa pagkakatulala, hanggang sa tinapik siya ng isa pa nilang kaibigan, “Hoy kinakausap ka ni Anna.” wika nito. Nuon palang siya bumalik sa kamalayan, iniabot ang kanyang mga kamay at muli ngumiti na parang hindi na masisilayan ang bukas. Nagdampi ang kanilang mga kamay, nakaramdam siya ng isang kakaibang pakiramdam, pakiramdam na sa unang pagkakataon niya lang naranasan. Tumunog na ang orasan, senyales na dapat ng bumalik sa silid ang mga mag-aaral at sa sandali ding iyon nagwakas ang unang pagkikita ng dalawa. Pumasok na sa silid-aralan si Sander, Isa-dalawa-tatlo binilang niya ang bawat segundo na lumilipas sa kanyang orasan, tinitignan ang kamay na sa sandaling panahon ay dumampi sa malalambot na kamay ni Anna, Iniisip kung ano ang kakaibang naramdaman ng una niya itong napagmasdan. Sumapit na ang uwian ng mga mag-aaral, unti-unti siyang tumayo sa kanyang kinauupuan, dirediretsong lumabas sa pintuan ni hindi man lang napansin ang pagtawag sa kanyang pangalan ng mga kaibigan, nanalangin na sana ay muli niyang makita ang dahilan ng paghinto ng munting mundo niya ng panandalian. Nag-abang siya sa pasilyo ng hagdan, umaasang makikita niya ang dahilan. Naupo, tumayo, sumipol at sa ganang sarili niya tinamaan na rin siya ng pagkabagot sa kahihintay, hindi niya namalayang kanina pa pala nakaalis ang mga mag-aaral na kinabibilangan ng kanyang pakay. Umuwi siyang bigo, dala-dala ang pag-asang muli silang pagtatagpuin ng tadhana. Lumipas ang dalawang araw ngunit wala padin ang hinihintay niyang muling pagtatagpo, napaisip siya kung ito ba ang talagang tadhana nilang dalawa at kung hindi talaga sila para sa isa’t isa. Sa paglakad niya papalayo mula sa lugar ng kanilang unang pagkikita, natanaw niya sa di kalayuan ang isang magandang dalagang papalapit, puminta ang isang matamis na ngiti mula sa kanyang mga labi at kumislap ang kanyang mga mata sa nakita.
“Sander, kamusta ka na? tagal din natin di nagkita ah.” Bungad ni Anna
“Eto mabuti naman, ikaw?”
“Eto humihingi pa naman, sobrang daming ginawa nitong mga nakaraang araw, puro kasi exams” sagot ni Anna
Napaisip si Sander, kaya pala hindi niya nakikita si Anna. Akala niya’y hindi na talaga niya makikita ang dalaga o dahil eto talaga ang kanilang tadhana, nabuhayan siya sa kanyang narinig at muling napangiti.
“Kaya pala hindi kita nakikita nitong mga nakaraang araw. Nga pala wala na kayong klase?” tanong ni Sander na animo’y may gustong ipahiwatig.
“Wala na pauwi na talaga ko dumaan lang ako sandli sa Library, sakto nakita kita kaya ako lumapit, Ano nga pala ginagawa mo dito, may hinihintay ka nu? Ayii pakilala mo naman ako.” Pabirong sabi ni Anna
“Ha? Hindi wala nu.” Pautal na sabi ni Sander
“Hindi nga? Nararamdaman ko meron. Sige na sabihin mo na” Pausi-sang sagot ni Anna
“Sige na nga sasabihin ko na, Ang totoo niyan hinihintay talaga kita.” Sagot ni Sander, kasabay ng pagpula ng kanyang mga pisngi na halatang nabigla sa nasabi.
“Nako, Bakit mo naman ako hinihintay?” Pagulat na sagot ni Anna.
Biglang napaisip si Sander, at pabulong na sinabi sa sarili “Bat ko nga ba nasabi pa, tinatamaan na naman ako ng pagkatorpe nito. Bahala na nga.”
“Hui, may sinasabi ka ba? Ikaw ha.” Wika ni Anna, hindi alam ni Sander na narinig ni Anna ang kanyang sinabi at nagpanggap lamang na hindi nito narinig para hindi tuluyang mahiya ang binata.
“Hindi wala yun. May gagawin ka ba? Aayain sana kita kumain muna sa canteen. ”
“Kung ok lang?” pasunod na wika ni Sander.
“Sige ba, at ng maikwento mo narin sakin kung sino yang hinihintay mo.” Pabirong sabi ni Anna.
“Ikaw talaga.” Sagot ni Sander.
Naglakad ang dalawa papunta sa canteen, pansin sa mga mata ni Sander ang sayang nadarama, Ito ang unang pagkakataon na magkakasama ang dalawa. Oras kung saan lubusan nilang makikilala ang isa’t isa. Hanggang sa dumating sa punto na madalas na silang magkasama, kumakaen sa labas, at nagkukwentuhan. Napansin ito ng kanilang mga kaibigan. Kinausap ng mga kaibigan ni Anna si Sander, para tanungin kung ano ba talaga ang relasyon niya at ng kaibigan nila.
“Magkaibigan lang talaga kami.” Ang bukod tanging sagot ni Sander.
“May nararamdaman ka na para kay Anna nu?” pabirong tanong ni Tetay na kaibigan nila.
Sinagot lang ito ng ngiti ni Sander, sabay tawa ng mga kaibigan ni Anna.
“Kung mayroon na, ligawan mo na.” mabilis na sagot ng mga kaibigan niya.
Humaba ng humaba ang usapan, kantsaw dito kantsaw duon, hanggang na paamin na ng tuluyan si Sander. Pinayuhan naman siya ng mga kaibigan ni Anna kung pano niya makukuha ang loob ng kaibigan at kung paano niya makakamit ang matamis na OO nito.
Lumipas ang ilang araw, lingo, at buwan. Tuluyan ng naging realidad ang kanyang mga panaginip, mga pangarap na akala niyang tanging sa kanyang panaginip lang magkakatotoo. Naging magkasintahan na nga si Anna at Sander. Pansin ng lahat ang sayang kanilang nadarama pag magkasama, at ang inspirasyon na binibigay ng bawat isa. Isang relasyon na hindi nagiging sagabal sa kanilang pagaaral. Nanguna sa kanyang klase si Sander at si Anna naman ay nanatili sa Section 1 ng kanilang paaralan. Sa pagatagal ng kanilang relasyon napagdesisyunan na ng dalawa na ipakilala na ang isa’t isa sa kani-kaniyang magulang. Unang ipinakilala ni Sander si Anna sa kanyang magulang, alam ni Sander na agad naman itong matatanggap dahil madalas niya namang naikukwento ang dalaga sa kanyang mga magulang, at ang mga magulang pa nga nito ang sabik na makita si Anna. Masayang lumabas ang dalawa sa tahanan ng binata, at inihatid ni Sander si Anna. Dapat sana’y ipapakilala na rin ni Anna si Sander ngunit napagdesisyunan nitong huwag muna, dahil alam naman niyang bawal pa siyang magkaroon ng ganoong klaseng relasyon. Isang gabi habang mahimbing na natutulog si Anna ay nabasa ng kanyang ina ang mga mensahe ni Sander. Agad nitong ginising ang dalaga at tinanong kung ano ang ibig sabihin ng mga ito, kinagalitan niya ang dalaga at pinagbawalan ng makipagkita pa kay Sander, at sinabing dapat niya na itong hiwalayan. Kinabukasan ay nagusap ang magkasintahan. Inamin ni Anna ang pangyayari, kasabay ng pagpatak ng mga luha sa kanyang mga mata. Hinawakan ni Sander ang kanyang mga kamay. Mahigpit, parang ayaw na nitong bitawan pa, kasabay ng paglabas ng mga salitang.
“Wag ka na umiyak, Hindi kita iiwan, Hindi tayo maghihiwalay.” Sagot ni Sander.
Pagkatapos nito niyakap niya ng mahigpit si Anna, yakap na parang nagsasabing hindi talaga sila mapaghihiwalay. Lumipas ang ilang buwan, Disyembre noon, malapit nang sumapit ang kaarawan ni Sander, ng makatanggap siya ng isang balita mula kay Anna. Pinayagan na siya ng kanyang magulang, at pinapapunta si Sander para kanilang lubusang makilala. Noong una’y akala ni Sander na ito ay biro lang ni Anna, ngunit nakausap niya sa telepono ang ina nito at sinabi na gusto nga nila itong makilala sa darating na linggo. Natuwa ang binata at agad naghanda para sa hinihintay na pagpapakilala. Ito ang pinakamagandang regalong matanggap niya sa kanyang kaarawan ang maging pormal at legal ang relasyon nila ni Anna. Lalong tumibay ang samahan at pagmamahalan ng dalawa. Araw, Linggo, at Buwan ang lumipas nanatiling matatag ang dalawa, may minsanang di pagkakaintindihan, mga iyakan na siyang nagpapatatag sa pag-iibigan nila. Ilang taon narin ang lumipas, at dumating na ang araw ng pagtatapos ni Anna, araw kung saan magkakahiwalay na ng paaralan ang dalawa, araw kung saan ang mga oras ng pagsasama ay hindi na katulad ng dati. Dagdag pa dito ang napagdesisyunang paaralan na papasukan ni Anna ay ang isang sikat na Unibersidad sa Maynila, kung saan milya milya ang layo nila sa isa’t isa. Kung kaya’t nang sumapit ang bakasyon ay nilubos lubos nila ang bawat segundo, oras, at araw na sila ay magkasama. Halos araw-araw silang kumakain sa labas, pumupunta sa mga lugar na kanilang nais at gumagawa ng mga ala-aalang hindi malilimutan. Natapos na ang tag-init, at pumasok na ang buwan ng Hunyo. Hudyat na kailangan nang pumunta ni Anna sa Maynila at ituloy ang kanyang pag-aaral, sa sandaling panaho’y kailangan muna nilang magkahiwalay ni Sander. Bumuhos ang mga luha sa paglisan ni Anna, hawak ang pangako na pagbabalik at pagsasamang muli nila. Sa unang apat na buwan ng pamamalagi ni Anna sa Maynila ay hindi maiiwasang nalulungkot siya kung saan si Sander ang kanyang natatakbuhan at nakakausap sa pamamagitan ng telepono. Ngunit marami ang nagbabago sa paglipas ng panahon, ang mga bagay na hindi mo inaakalang mangyayari ay nagaganap. Walang perpektong nilalang sa mundo at ang lahat ay nagkakamali. Sa panahon na wala si Anna ay nagkaroon ng mga pagkakataong napalapit ang loob ni Sander sa ibang dalaga, Si Jenna ang madalas nakakasama ng binata, nakakausap niya at nasasabihan ng mga problema nilang magkasintahan, sa pagaaral at pati narin sa pamilya. Hindi makakailang naging matalik silang magkaibigan, matagal narin ang pinagsamahan nila. Magkamag-aral sila noong elementarya, magkasundo rin ang dalawa sa maraming bagay. Dumating lang sa puntong nawalan sila ng komunikasyon sa isa’t isa, dahil sa pagkakaroon ng kasintahan ni Sander. Sanhi marahil ng mga kakulangan na hinahanap na madama ng binata kay Anna, marami nga ang nagbago, madalas naring nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan ang magkasintahan, at dumating na rin sa punto ng hiwalayan. At sa kalaunan ay nalaman din niya ang mga nangyayari kay Sander at Jenna. Hindi naman siya manhid para hindi niya maramdaman ang panlalamig ni Sander, Parang isang punyal ang tumurok sa kanyang dibdib sa mga nalaman. Masakit, Malungkot, at nakamamatay na rebelasyon. Umuwi si Anna para kumpirmahin ang mga nangyayari at para kausapin si Sander sa mga nalaman. Nakita niyang magkasama ang dalawa at magdikit ang mga palad. Masayang naglalakad ang dalawa, nakapinta ang mga ngiting hindi matutumbasan ng kahit anong halaga. Nagkita ang kanilang mga landas na parang sinadyang pagbanggain ng tadhana. Tahimik ang buong paligid wala ni isa sa kanila ang nagsalita. Hindi napansin ni Anna ang pag-agos ng luha mula sa kanyang mata, at tuluyang bumigkas ng mga salita.
“Anong ibig sabihin nito?!”
Hindi parin nagsalita ang binata, alam niyang mali ang kanyang ginagawa.
“Sander, Pinagkatiwalaan kita tapos ngayon ano tong nakita ko?”
“Alam ko nagkukulang ako dahil sa mga oras na wala ako sa piling mo pero hindi ko inakalang ganito ang magagawa mo, ganun ba talaga kalaki ang kasalanan ko sayo?”
“Hin—-n.-d.—dii Anna. Nagkakamali ka.” Pautal na sagot ni Sander.
“Mali? Hindi ako tanga Sander kitang kita ko ang lahat!”
“Niloko mo ko! Pinagkatiwala ko sa’yo ang buhay ko tapos ganito lang pala ang gagawin mo.. Ang sama mo Sander! Ang sama mo!”
At sa ganang sarili niya’y napatakbo siya papalayo habang lumuluha. Hindi niya alam kung saan siya pupunta, Nanlalabo ang mga mata dahil sa mga luha niya. Umuwi siya sa kanilang tahanan at nagkulong ng buong maghapon. Dali-daling nagpunta si Sander sa bahay ng dalaga at iniwan si Jenna. Ngunit ayaw siya nitong makita. Kinausap siya ng ina ni Anna nilahad ang lahat ng nangyari, humingi ng tawad at nagpaliwanag. Makalipas ang ilang oras ay hindi parin lumalabas ang dalaga, Ilang oras bago magdapit hapon ay pinayuhan siyang umuwi na ng ina ni Anna, at nangakong kakausapin nalang nila ang dalaga. Baon niya sa kanyang paguwi ang bigat ng nadarama, ang pagsisising kailan man ay hindi na maaring baguhin at ituwid. Bago sumikat ang araw ay agad naring lumisan si Anna pabalik sa Maynila, kasama niya ang kanyang ina. Hindi man lang nagkaroon ng pagkakataon para magkita silang dalawa at makahingi siya ng tawad sa kanya. Simula noon nawalan na sila ng komunikasyon at kailan ma’y hindi na nakapagusap at nagkita. Simula rin noon ay hindi na kailan man nagusap si Sander at Jenna. Nagiiwasan sila sa tuwing sila’y magkikita. Hindi narin kailan man pumasok si Sander sa isang relasyon at nag-aral nalang ng maigi, at nakapagtapos sa Hayskul ng may parangal mula sa kanilang paaralan. Lumipas ang ilang taon, At nasa kolehiyo na si Sander, lumipat sila ng tahanan ng kanyang pamilya sa maynila kung kaya’t nag-aaral siya sa isang kilalang unibersidad sa Maynila at ngayon ay nasa huling taon na ng kanyang pag-aaral. Si Anna naman ay nakatapos na ng pag-aaral at nagtatatrabaho na sa isang malaking kumpanya. May kani-kaniyang buhay na sila, tahimik, kuntento at hindi makakailang mahal pa nila ang isa’t isa. Marahil ay pinaglalaruan nga sila ng tadhana, nagkita muli sila sa isang sikat na restawrant. Kasama ni Sander ang kanyang mga kaibgan at si Anna naman ay may negosyong inaayos sa lugar na yun. Nagulat ang dalawa sa hindi inaasahang muli nilang pagkikita. Nilapitan ni Sander si Anna, at nag-usap sila, kamustahan, at kaunting kwentuhan kung ano na ang nangyari sa buhay ng bawat isa. Naputol lamang ang kanilang usapan ng dumating na ang hinihintay ni Anna. Hindi sinayang ni Sander ang pagkakataon at kinuha nito ang contact number ni Anna, dali naman itong binigay ng dalaga at sinabing mag-usap nalang sila sa ibang araw. Bago humiwalay ng landas si Sander ay nagawa nitong humingi ng tawad sa kasalanang matagal na nitong nagawa, isang ngiti ang sinagot ni Anna at sinabing,
“Kalimutan na natin yon, mga bata pa tayo noon.”
Masaya si Sander dahil sa muli nilang pagkikita ay napatawad na siya ni Anna. Kinagabihan ay agad nitong tinawagan ang numero na binigay ni Anna, nagkwentuhan sila sa mga bagay na nangyari nung nawalan sila ng komunikasyon. Ilang araw lang ang lumipas ay nagumpisa muli silang magkita, mas madalas sa minsan ang pagkikita nila at muli nabalik ang saya sa kanilang dalawa. Ngunit ang sayang ito ay panandalian lang pala. Nadiagnose si Sander na may Leukemia Ilang buwan mula nung muli silang nagkita, inilihim ito ni Sander kay Anna, dahil ayaw niyang makita kinakaawaan siya nito at ayaw niyang makitang malungkot ang dalaga. Nagpatuloy ang paglala ng sakit niya, napagdesisyunan niyang lumayo na lang at tuluyan nang hindi ipaalam kay Anna. Ninais ni Sander na makipagkita kay Anna sa huling pagkakataon. Nagkita sila at nagpaalam na si Sander, hindi niya sinabi ang tunay na rason ng kanyang paglayo. Tanging ang mga luha at yakap ang siyang nangusap at nagpahayag ng kalungkutang nadarama ng dalawa. Hindi napigilan ng ina ni Sander na aminin ang totoo kay Anna ilang buwan makalipas ng malaman nilang konti nalang ang oras na nalalabi para kay Sander. Sinadya ng Ina ni Sander si Anna sa kanyang opisina at nilahad ang tunay na kalagayan ng anak niya. Nabigla si Anna at bumigat ang nadarama, umagos ang mga luha mula sa kanyang mata, at humiling na sana’y makita niya si Sander. Naki-usap naman ang ina ni Sander na wag magpakita ng kahit anong kalungkutan, sa halip ay magpanggap siya na walang nalalaman sa kalagayan ng anak. Kinausap si Sander ng kanyang ina at sinabi na gustong makipagkita ng dating kasintahan sa kanya. Walang pagdadalawang isip ay agad namang sumang ayon ang binata. Masaya siya sa narinig at parang nadagdagan ng ilang minuto ang buhay niya dahil sa sayang hatid na sinabi ng ina. Nagkita nga ang dalawa at napagpasyahang bumalik sa kanilang probinsya, masayang kumain at pinuntahan ang mga lugar kung saan sila unang nagkita at kung saan binuo ang bawat masasaya at malulungkot na mga ala-ala. Hindi nila namalayan ang oras, palubog na pala ang araw. Ang araw na palagi nilang inaabangan at pinapanuod noon, kasabay ng paglubog nito ang pangngarap noon ng dalawa, ang pagkakaroon ng pamilya, mga anak at ang pagsasama nila hanggang sa kanilang pagtanda. Niyakap ni Sander si Anna at inamin ang katotohanan tungkol sa sakit niya. Hinawakan ni Anna ang labi ni Sander at sinabing mahal na mahal niya ito. Binulong ni Sander ang kanyang mga huling kataga.
“Anna mahal na mahal kita.”
Sa pagbigkas niya nito Sinagot ni Anna ng isang mahigpit na yakap si Sander at sinabi rin na mahal na mahal niya ito. Kasabay ng pagdilim ng paligid ay tuluyan nang binawian ng buhay ang binata. Ito na pala ang huling araw niya para mabuhay. Hawak ni Anna ang mga kamay ni Sander, alam niyang masaya itong lilisan baon ang masasayang ala-ala nilang dalawa at ang tunay na pag-ibig sa isa’t isa.
———————SINIPAG MAGBASA? Haha pasensya na
I’m speechless..
well i just really don’t know what to say nor do..
I’m pissed, why aren’t things falls unto their right place.
argh..

